"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo." tama nga naman :) .... matigas lang talaga ulo ko minsan, ahmmm... lage pala :)
"Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung
ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin ".
"Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao."
Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal..
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blank na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
“Pag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magagalit. Kasi may mga tao rin namahal na mahal ka pero hindi mo sila makuhang mahalin. Kaya kwits lang.”
“Kapag pinag-aagawan ka malang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
"naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED.."
"gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo.. gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.."
"minsan kahit ikaw ang nkaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.."
"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi and pagtanggap na sa bilyong-bilyong tao sa munda, wala man lang nkipaglaban upang makasama ka.."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
"Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
"kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko."
" muntik akong madisgrasya paglabas ng eskwelahan. wala ako sa sarili. doon ko lang nalaman na ganon pala ang college. gaguhan. "
“ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan”
“parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin”
“minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka”
“hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
“pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan kalang”
“sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, na kapag buo ang binigay mo, sinusuklian ka kahit papaano”
- Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan
- Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
- Mas babango ba ang rosas kung mag-iiba ng pangalan?
- Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang 'character' sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?
- May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo
- Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.
- Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.
- Minsan pala, kailangan rin ng lakas para sabihig mahina ka
- Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili
- Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
"Kabutihan ba ang hindi paggawa ng kasamaan??"
- Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang "eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!".
- Ano ang talino kung walang disiplina?
- Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
- Bakit sumasamba ang tao... o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap at pag-aalala? Bakit gumugulo ang buhay ng tao pag marami siyang asawa? Bakit ang hayop hindi?
makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang ang taong uupo satabi mo...
ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa....
"Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?"
Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
- Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.
- Isa lang ang hinihiling ko sa kanila, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na akong nagkamali at ulit dapat akong bumawi.
- Kung kailangan mo ng pera, huwag kang magturo. Kung iisipin mong trabaho ang pagtuturo, mahihirapan ka, mission ito...
- Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakapagtataka kung bakit marami ang namamatay nang mangmang.
- Maraming bagay ang naituturo ng mga teacher sa estudyante nang hindi sinasadya. Maraming bagay ang natututunan ng mga estudyante sa teacher nang hindi nila alam..
